Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

She's Dating the Gangster (8 page)

BOOK: She's Dating the Gangster
6.07Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads
Chapter TWELVE

Grabe. Siya parin yung naiisip ko. Halos 3 hours lang yung tulog ko kakaisip sa mga ‘nangyari’ kagabi..

Hinde ko alam kung bakit hinde ako pumalag, nadala lang siguro ng alcohol. Pero hinde eh! I was sober that time!! pano ako madadala ng alcohol.. could it mean something like… maybe.. OMG NO! Maybe I

like him?!

I slapped my face lightly

“Anya ..anya..” patuloy pa rin pag slap ko sa pisngi ko. *anya = no+

“Hmm. So yan pala epekto ng kiss ni Kenji?”

I looked at my right side, “Bakit bigla bigla ka na lang sumusulpot? Pati anong epekto?? EW! PWEDE

BA!”

Nakatingin lang siya sakin habang naglalakad kami, what? May nasabi na naman ba ako?

“Oh bakit ganyan ka makatingin?”

Inalis na niya yung tingin niya sa akin, OMG! WHY??? OK LANG SAKIN TITIGAN MO KO! *blush*

“Wala lang. parang diring diri ka sa kiss niya eh. haha!”

AY STUPID! Oo nga pala, I’M HIS GF! Pati teka, paano niya nalaman na nag kiss kami???

“Ha? kasi, wala lang naghalong bisyo eh, beer pati yosi. Alam mo yun..”

Nag smile siya sa akin.. ang gwapo niya talaga!!

“Oo. Edi hinde pala kita pwedeng halikan tuwing nakainom ako? Kasi ganun din ako eh, may halong

bisyo.”

Napatingin ako bigla sa kanya, “Ha?”

“Wala!”

“Ok lang sakin kung ikaw, gwapo ka naman e.” sabi ko ng mahina

“Ha? May sinasabi ka ba?”

“Ha? Wala. Teka, bakit ang aga mo ngayon? Maaaga mo bang susunduin si Abigail ngayon? Wow. Sana

lahat ng lalaki katulad mo!”

Nagsmile siya sa akin, “Hinde, nakita kasi kitang naglalakad mag isa eh, so napagisipan kong ihatid ka na lang! ok lang naman diba? Oh baka mag selos si Kenji?”

“Tss. Yun magseselos? COME ON! I mean, wala nga yun saking paki ala--”

“ATHENA!!!” napahinto ako sa pag lalakad. I know that voice!!!

Napatingin ako sa may likod ko.

Nagmadaling maglakad si Kenji papalapit sa amin ni Lucas

“Ilang beses ko ba kelangan sabihin sayong ayokong nakikitang kasama mo yan?? Ayoko rin mag usap

kayo!!”

“Ano ka ba ha??? Bakit kelangan pati mga dapat kong kaibiganin pinapakialaman mo?”

“NAGSESELOS AKO EH! AYOKONG MAY KUNG SINO SINONG LALAKI ANG LUMALAPIT AT KUMAKAUSAP

SAYO! HINDI MO BA INIISIP DAMDAMIN KO??”

Nagulat kami ni Lucas kay Kenji. Ano daw? Selos??

Nagsmile sa akin si Lucas, “Sabi na sayo magseselos siya eh. sige mauna na ako.” tumingin siya kay Kenji,

“Sige mag ingat kayong dalawa.” tumalikod siya sa amin tapos naglakad papalayo sa amin.

Humarap sa akin si Kenji tapos nag smile, “See? Panalo ko! Selos selos. Selos my @ass.” Hinawakan niya braso ko tapos hinila niya ako. “Let’s go lovebabe!”

Lovebabe?! Anong pauso na naman yan!?

Pagkadating namin sa school halos lahat ng students nakatingin sa amin, hay nako, kelangan ko na

talagang masanay sa ganito tuwing kasama ko si Kenji. Pagkadating namin sa classroom lahat din sila nakatingin sa amin, NAKA SMILE.

Humarap ako kay Kenji, “Kenji, may dumi ba ako sa mukha?”

“Tange. Siguro alam na nila yung nangyari.”

“Nangyari? Anong nangyari?”

Napatingin sa akin si Kenji, “Yung alam mo na.. yung sa 310..”

“ALAM NILA?!?”

Nagtawanan yung mga kaklase namin

“Hay nako Athena! Alam na ng buong mundo yun! malagay ba naman yung mga pictures sa internet

eh!”

INTERNET?! SINONG NAGLAGAY?! PICTURES?!?!? OMG!

“Buti naman at nag-improve na yung relasyon niyong dalawa noh!! Akala namin forever na kayong mag

tatalo eh!!!”

“Siyempre naman Gracie! May kakaibang bonding ata yang ‘most popular couple’ sa internet!”

“Mismo!” tapos nag apir sila. MOST POPULAR COUPLE?! SA INTERNET?!? Ano ba to!! I know earlier

sinabi ko na maybe I like him, pero OMG! NO! EW! Hinde pala! tuwing nakikita ko si Lucas laging

nawawala sa isip ko si Kenji eh, so I think mas na ggwapuhan ako kay Lucas, pwede ba yun?

Hinde kami nagusap ni Kenji sa kalagitnaan ng class namin kahit nung recess, hinde rin. tinopak na naman ba siya? parang bata talaga yun!! sumpungin! Bigla bigla na lang hinde namamansin pag

sinusunpong! Na-stuck tuloy ako kela Sara at Grace! Kung ano ano pinapakwento sa akin, like kung

anong pinaguusapan naming ni Kenji pag naguusap kami sa phone, or kung may something na raw ba

talaga! OMG PLEASE!

Lunch break na at hinde pa rin ako kinakausap ni Kenji, hinde ko rin siya makita sa canteen, kaya hinde ko na siya hinanap pa. susulpot naman yun kung kelan niya gusto eh. bahala siya.

So ngayon ang kasama ko ay si Kirby, Jigs, Sara at Grace

“WAAAAH! BAKIT NANDITO SIYA?” habang nakaturo kay Grace

“Kaibigan namin siya eh! bakit may angal ka ba?!?!” Si Sara patapang ng patapang recently.

“MERON! AYOKO SIYA DITO!!” tinuro niya si Grace, “HOY IKAW! Hinde ka welcome dito!!” nagtinginan

yung mga babaeng malapit sa table namin at of course, nag bulungan sila.

“HOY KA RIN! Manahimik ka na nga dyan! Kumain ka na lang!!”

Natawa lang si Kirby sa kanilang dalawa. Meron ba kaming hinde alam??

“Anong nakakatawa?” sabay naming tinanong ni Sara

“Wala lang. Ang inosente ng itsura niyong dalawa eh.” patuloy pa rin sa pag tatalo yung dalawa. Hinde na nga namin sila pinansin dahil alam naming walang patutunguhan away nila.

“Ex-lovers ba sila??” sabay ulit naming tinanong ni Sara.

“HINDE!!!!” sabay nilang sinabi. RIGHT. EX-LOVERS NGA.

“Ex nga.” Sabi ni Sara.

“Mandiri nga kayo! Hinde kami pwedeng maging magboyfriend girlfriend noh!!”

“At bakit naman??"

“Kasi kambal sila.”

“KAMBAL?!?!”

“Oo. Hinde nga lang identical twins. So I guess that explains everything.”

Kaya pala medyo hawig silang dalawa. Pati pareho sila ng ugali minsan, KAMBAL EH! Natawa na lang

kami ni Sara sa nalaman namin! Eh bakit Bala family name ni Jigs at si Grace naman Matic?? Weird.

Unti-unti ko ng nakikilala sila Jigs at Kenji, si Kirby naman hindi pa gaano, masyado siyang mysterious!

Hindi ko nga alam kung may girlfriend na siya o wala eh! Ang alam ko lang siya si Kirby Araneta, 18 years old taga BF Executive Village. Ibig sabihin ka-village namin siya ni Kenji at Lucas, yun nga lang malayo sila sa street namin.

Paakyat na ako ng stairs mag isa, si Sara kasi binantayan yung kambal! Hinde pa kasi tumitigil kakatalo yung dalawa! Kaya pala napansin ko tuwing English class namin, sa akin nakaharap si Jigs! Tuwing

tinatanong ko naman kung bakit siya nakaharap sakin, feel niya lang daw. Tss. Ngayon alam ko na yung tunay na dahilan! Pati ngayon lang sila nagkabangayan ng ganito, oh yeah I learned a new word from Kirby, ‘bangayan’. Anyway, hinde pa rin ako makapaniwala sa bago kong nalaman tungkol kay Jigs at

Grace. Itatanong ko nga kay Sexylove kung alam niya yung tungkol sa kanila!

Habang nasa 2nd floor ako, biglang kinalabit ako ni Kirby

“Bakit mag-isa ka na naman? Nako! Baka ma-sampal ka na naman ng mga psycho ha!”

“Ikaw talaga! Oo nga pala, thank you ha.”

“Ano ka ba! Ginagawa ko lang yun kasi girlfriend ka ni master Kenji!”

“Ah ganun? Tss. Hinde naman ako gusto nun eh! alam mo naman na nagpapatulong lang yun sa akin na

maibalik si Abigail!”

Napasmile sa akin si Kirby

“Bakit? Totoo naman eh! pati yung nangyari sa 310? Wala lang yun. kaya niya ginawa yun kasi nandun si Abigail, tss. Kala niya hinde ko nakita si Abigail. Bwiset. Nakakahiya tuloy kasi pati si Lucas nakita!!”

He lightly poked my head, “Ikaw talaga! Si Lucas pa inisip mo! Pati, lahat ng kiss may meaning. Hinde ka naman i-kikiss ni Kenji kung wala lang yun noh! Kilala ko siya, trust me. Hinde ka ‘wala lang’ sa buhay niya.” then he patted my shoulder

Pagdating namin sa classroom nandoon na si Kenji, nakaupo tapos nakasmile sa amin.

Lumapit kami ni Kirby kay Kenji, “Paps, san ka ba nagsususulpot??”

“May inasikaso lang ako.” tumingin sa akin si Kenji, “Lovebabe, mamaya may surprise ako sayo!”

“Lovebabe?!” tanong nilang lahat

Ano ba to! Ang lakas naman ng pandinig ni Sara, Jigs at Grace! Basta chismax ang bilis nila eh!

“Oo. Lovebabe.” Sabi niya sa kanila. “Upo ka na sa tabi ko lovebabe.” Tapos tinap niya yung arm chair sa tabi niya. ano ba to lord!! Kill me!!

Salahat ng kahihiyan na gagawin ni Kenji, bakit kelangan niya pa akong tawaging LOVEBABE sa tapat ng classmates namin??? Pwede naman pag kaming dalawa lang eh!!

Nagsmile ako sa kanya, “Ok Sexylove” I said in a sarcastic way tapos nag fake smile ako at umupo sa tabi niya.

“SEXYLOVE?!”

“UMUPO NA NGA KAYO!!” see. Ang pikon niya talaga. Kaya ang sarap niyang asarin dahil pikon siya eh.

Last subject na namin, at dahil Thursday PE yung last subject namin.

Thursday, late pumasok si Kenji, hinde siya nag practice? Tsktsk. Kaka lasing niya kasi! Ayan!

Anyway PE time namin, nag palit na kami nila Sara at Grace ng PE uniform, shorts at shirt yung pang PE

namin. Pag labas ko ng cr dumiretso na ako sa may bleachers ng gym para ilagay yung damit ko sa bag.

“ANO YANG SUOT MO?!?!?”

Lumingon ako para harapin si Kenji.

“MAGPALIT KA NGA NG JOGGING PANTS!!”

“Wala akong ibang damit na dala eh. eto lang. Bakit ba!??!”

“PAG HINDE KA NAG PALIT SISIRAIN KO YANG DAMIT MO!”

“WALA NA NGA AKONG IBANG DAMIT!! Next time ok?? mag jojogging pants ako!”

“Good.” Tapos nag grin na naman siya. I hate him. I swear.

“So thug ka na ngayon hinde na gangster? THUG LORD!!”

“Uy gusto ko yan ha!!”

Sabi ni Jigs. Bigla bigla silang sumusulpot! Ano ba to! Mushroom ba sila?!

“THUG LORDS!”

“Hay nako ewan ko sa inyo! Nagustuhan niyo pa yung thug lords na yan! Tara na mag sstart na yung

class!”

Nagstart na yung class. Swerte ko dahil eto lang yung mahabang time na hinde kami magkasama at

magkahiwalay kami ng class! Hiwalay kasi yung boys sa girls! Buti na lang! Basketball yung sa boys tapos volleyball naman sa amin. Ano ba to! Volleyball? Eh hinde nga ako marunong tumira nung bola eh!

soccer na lang! pero hinde yun yung dapat na pagaralan daw namin eh.. too bad.

Tapos na yung PE class namin. BUTI NA LANG!

“Magpalit ka na ng damit.” Hinagisan ako ng shirt at short pants ni.. nino pa ba?

Kinuha ko yung damit tapos nagpunta ng cr para magpalit. Tama lang yung laki nung shirt, ok medyo

malaki ng konti, I mean comfy siya, hinde fitted tapos ok lang rin yung short pants, lumabas ako sa cubicle. Hinde ko na natingnan yung itsura ko sa salamin kasi sumigaw na si Kenji!!

Napansin kong nagpalit rin siya ng damit, naka white shirt siya tapos naka shorts.

“Talikod ka nga! May titingnan lang ako!” tumalikod ako, anong meron ba sa likod ko?

“Bagay pala sayo eh! tara na!” hinila niya ako papalabas ng gym.

Anong meron sa likod ko?! bakit parang natuwa siya nung nakita niya yung likod ko?? may sira ba to?!

OMG! Pag may sira tong damit patay sakin tong lalaking to!!!

Eto ba yung sinasabi niyang surprise??? yung shirt at yung short pants??? tss. gusto niya lang terno kami eh. paano ba naman white shirt din to! hinde ko nga lang alam yung design sa likod! LORD HELP ME!

Chapter THIRTEEN

Palabas pa lang kami ng gym ni Kenji, lahat halos ng students nakatingin sa amin. Ano bang meron?

Haay. Siguro dahil si Kenji yung kasama ko. Ganun naman palagi eh. Dapat sanay na ako. Pero hinde pa rin ako map kali kasi kilala ko tong si Kenji eh!! Kanina tininnan niya yung likod ko, may kalokohan siguro siyang ginawa sa damit na binigay niya!!

“Bakit nakatingin sila sa atin?”

“Ewan ko.”

“May something siguro tong damit na to noh??” Nag smile lang siya. Hinampas ko siya sa may braso

niya, “ANO BA KASI MERON SA DAMIT NA TO?!?! Bakit sila nag titinginan?!?!”

“ANO BA!! Wala nga!! Pramis!”

“WAG KA NGANG MAGSINUNGALING DYAN! KILALA KITA!! GAGAWA AT GAGAWA KA NG KALOKOHAN

KUNG KELAN MO GUSTO!”

“Kung ayaw mong suotin yan edi mag palit ka!! Nakakasar naman eh! Sinabi ng wala ipipilit pa ring

meron!” nag pout siya tapos tumalikod sa akin.

“Oh bakit nagtatampo ka??”

“Hinde ako nag tatampo! Ang kulit mo kasi eh! Snabi ng wala tapos ipagpipilitang meron! Nakakairita!”

“Psh.”

“Mauna na ako, hihintayin na lang kita sa lounge. Magpalit ka kung gusto mo.” nagsimula na siya

maglakad papalayo sa akin. Ang pikon talaga nun! Nakakaasar!

Bumalik ako sa loob ng gym para mag cr. Tiningnan ko ng mabuti yung likod

Tama nga. Wala ngang nakasult, wala ring sira. Kasi naman siya eh! Kung kumilos parang may something na kagaguhan eh! Hinde mo talagang pwedeng pagkatiwalaan!

Lumabas ako ng cr suot parin ang damit na binigay ni Kenji. Yung isip bata na yun!! Kung hinde lang siya gwapo eh!! GWAPO?? Teka, sinasaniban na naman ako ng masamang espirito! Bigla bigla na naman

akong nagsasabi ng masasamang bagay. Ano ba to ano ba to.

Nasa may covered court na ako, ng may biglang bumangga sa aking limang babae. Teka natatandaan ko

sila.. Pero saan??

“Grabe. Ang kapal naman ng mukha mong magpakita pa sa tapat namin.” sabi nung chubby girl

SILA! SILA NGA YUNG MGA BABAENG SUMAMPAL SA AKIN!!

“Kayo yung..” tinuro ko sila using my index finger.

“Oo! Kami nga. Wag kang mag-alala. Hinde ka na namin sasaktan."

"Tama. Hinde na bababa level namin sa isang gold digger na katulad mo."

"Tara na. Alam na rin naman ng lahat ang tungkol sa kanya eh. "

Alam ng lahat? Ang alin? Ang ano?

Iniwan na nila ako, walang sampal, walang bangga.

Hinde pa rin ako mapakali sa sinabi nung isang babae.. alam na ng lahat ang tungkol sa akin..? Alam na nila yung.. OMG! lagot ako nito kay Sara!! Hinde nila dapat malaman yung tungkol sa amin.. wala pa kaming planong ipaalam sa kanila.. paano na lang sila Jigs, Kirby at Grace? baka magalit sila pag nalaman nila yung sa amin.. hinde pwede.. sila lang yung tinuturin naming kaibigan simula nung tumira kami dito sa pinas..

"Totoo ba?" Huh? Nakita ko si Abigail nakaupo sa may mga bench sa tennis court. “Kalat na dito sa school yung tungkol sayo.”

“A-alam mo na rin?”

“Oo. Simula pa lang alam ko na. Hinde ko nga alam kung anong nakita sayo ni Kenji eh. Sa totoo lang, parang bumaba yung taste niya sa isang babae.”

“So what’s your point? Working as an art--

“Na gold digger ka.”

GOLD DIGGER AKO?? She didn’t let me finish my sentence!! OMGSH!

“Excuse me?”

“Gold digger ka. Look at what you’re wearing. I know Kenji gave that to you. I saw him buying that.”

“I never asked for anything. Kaya kung pupwede wag ka munang manghusga. Wala ka namang alam

eh.”

Nag glare siya sa akin tapos smile.. Evil smile. “We’re not yet done Miss gold digger.”

Naglakad na ulit ako papuntang lounge. Nakakaasar. Ang kapal naman ng mukha niyang akusahan ako!

She doesn’t even know me!! Maybe she does pero by name and face lang! She doesn’t know me

personally… so mean.

Nakita ko na si Kenji nakaupo sa mga bench dun sa lounge. Pupuntaan ko ba siya? Prang ayoko.. Halos lahat ng students dito pinagtitinginan ako.. Alam na nila yung gold digger issue. >_< hinde naman ako gold digger eh.. Wala naman akong hiniling kay Kenji.. Akala ko pa naman din yung issue sa Korea, pero iba pa pala.. mas matindi.

Pumunta ako sa may cr, hinde pa ako handang harapin si Kenji, feeling ko pag nakita nilang lumapit ako sa kanya, mas lalong sasabihan nila akong gold digger.

Pumasok ako sa cubicle. Gusto ko muna magisip.

“Alam na kaya ni Athena? Grabe naman yung nagkalat nun..”

Parang boses ni Grace yun ha.. Sino kaya kausap niya?

“Oo noh! Pag nakita ko sila.. NAKO!!!! THEY ARE SO DEAD!”

Just as I thought. Si Sara nga.

“KOREK! I-fuflush ko yung mukha nila sa inidoro!”

Inidoro?

“Ano yung inidoro?” sorry. We’re dumdum. >_<

“Toilet bowl.”

Aaahh.

“Ahh.. Tara na! baka inintay na tayo ni twin brother mo!”

“Twin brother ka dyan!!”

Narnig ko na nag-close yung door. I guess umalis na sila. Lumabas na rin ako ng cubicle. Hinde ko pa rin alam kung pupuntahan ko si Kenji oh uuwi na lang ako sa bahay. Wala talaga akong planong harapin siya ngayon.

Lumabas na ako ng cr. Nakatayo lang ako dun.

“Amp! Wag mong sabihing nag papaapekto ka? Wala lang yun. Puntahan mo na siya, kanina ka pa niya

hinihintay.” sabi sa akin ni Kirby, ang galing. Para talaga siyang mushroom. Bigla biglang sumusulpot.

Unconsciously, I was walking towards Kenji.. Unconsciously, I smiled at him.

“Nag hintay ka ba ng matagal? Sorry..” Nakatingin parin siya sa akin, well hinde sa mukha ko kung

hinde sa damit ko. Siguro nagtataka siya kung bakit ang tagal ko pero hinde naman ako nagpalit ng

damit. “Uhm.. Kenji.. Ok lang ba kung mauna na ako? Gusto ko na kasi umuwi. Masama pakiramdam

ko..”

Lakas loob kong sinabi, alam kong maaasar siya kasi gusto niya lagi kaming sabay umuwi. Pero ngayon kasi sobra sobra na yung insulto na natanggap ko dahil sa kanya. Parang lumalabas na ako yung masama kasi sikat si Kenji dito tapos isang new student naging girlfriend niya bigla.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.

I THINK I NOW PLAYING.

“Wag ka naman sanang magpaapekto sa sinasabi ng iba.” napahinto ako sa paglalakad. “Alam naman

natin yung totoo eh, hinde ka ganun. Wala silang pruweba. Ang nakakaalam lang ng katotohanan ay ako at ikaw pati kung sino man yung sinasabi nilang tao sa itaas (God).”

narinig ko yung footsteps niya papalapit sa akin. “Kung ipagpapatuloy mo yung ganyang attitude, ikaw rin yung nagsabi mismo na ganun ka, kasi nagpapaapekto ka eh.”

Tumingin siya sa akin, “Wag kang mag alala. Poprotektahan naman kita eh. Nandito lang ako..”

Hinawakan niya yung left hand ko, “Tara na! sasamahan mo pa ako sa isang lugar eh. Magugulat ka sa surprise ko!” tapos nag smile siya sa akin.

Hinde ako nakapag salita, I was dumbfounded. Hinde ko alam ang mga dapat kong sabihin, yung mga

kelangan kong sabihin.

Naglakad na kami papalabas ng school. Sa front gate kami lumabas. Nakaapanibago nga eh. Iba’t ibang mukha yung nakita ko. Pero hinde ko sla mga kilala. Habang nag lalakad kaming dalawa, hinde ko

mapigilang hinde tumingin kay Kenji. Hinde kasi ako makapaniwalang sinabi niya yung mga nasabi niya kanina. Parang hinde siya yung Kenji na kilala ko. Yung Kenji na mahilig makipag sapakan, sigawan at makipag talo. Habang naglalakad kami, napansin kong nakahawak pa rn siya sa kamay ko hinde ko alam kung bakit ang saya ng pakiramdam ko.. Dahil kaya nakahawak siya sa kamay ko? Oh dahil sa mga nasabi niya? Oh baka dahil.. Gusto ko na kasi siya?

Masyado na akong naguguluhan sa sarili ko.. Kaninang umaga, parang gusto ko siya, pero nung

nakasama ko si Lucas at nakita ko na siya ayaw ko na bigla. Ngayon naman ang saya ko kasi..kasama ko siya.. Naglalaban yung like and hate, happiness at anger pag siya na yung pinaguusapan.

Mga 10 minutes din kaming naglalakad. Walang nagsasalita. Hawak lang namin ang isa’t isang kamay.

Nag stop kami sa isang salon.

“Bakit tayo nandito?”

“Basta. Pasok na lang tayo.” hinila niya ako papasok ng salon. Wag niyong sabihing ililibre na naman niya ako dito??

May lumapit sa aming babae, mukhang siya yung may ari ng salon na ito.

“Kenji!! Long time no see!! GRABE! Tingnan mo, ang haba na ng buhok mo! Gwumapo ka lalo! Bagay

na bagay din sayo yung kulay! Ano bang ipapaayos mo ha?”

Gwumapo? Mas gwapo pa pala siya ngayon kesa dati? Ibig sabihin pinanganak siyang gwapo.. Pati oo

nga, ano bang ipapaayos niya sa buhok niya? Don’t tell me dadagdagan niya yung kulay ng buhok niya.. I know hinde siya mag papagupit kasi sign yun na willing siyang maghintay hanggang bumalik si

Abigail..impusible ring magpablack siya ng buhok.. >_<

“Magpapagupit ako. Pagkatapos nun, gawin mong color black lahat ng may kulay.”

Napatingin ako bigla kay Kenji. Tumalikod naman siya sa akin.

Naiwan akong nakaupo mag isa sa may salon. Naiwan akong nagiisip.. Bakit niya ginagawa to? Dahil ba sa akin? Pero bakit? Naawa siya sa akin? Trip niya lang..? oh baka.. Gusto na rin niya ako? Hinde. Napaka imposible naman nung huli. Bakit kaya.. Nagsawa na ba siya ng kakahintay? Hinde ko alam.. Wala na

akong maisip na dahilan kung bakit niya to ginagawa. Ayoko naman siyang tanungin kasi alam kong

maiirita lang siya.

“Wag kang mag alala. Poprotektahan naman kita eh. Nandito lang ako..”

Hinde pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.. Sa mga sinabi niya.. Gusto ko sana siyang sigawan pero masisira yung moment. I wanna slap his face real hard! Para magising siya sa katotohanan.

After 1 hour and 25 minutes, natapos na rin siya.

“Tara na, punta tayo sa may park. Samahan mo akong mag basketball, ok lang?”

Unti-unti kong inangat yung ulo ko para makita ko yung itsura ni Kenji. Again, I was dumbfounded.

Athena -> O_O

Kenji -> ¬_¬

OMG! Yun lang ang pwede kong masabi. The gangster slash thug slash psycho turned into a.. PRINCE?!

Medyo short na yung hair niya, na BLACK tapos naka eye glasses siya na makapal yung frame na black...

OMG hinde si Kenji to!

“I told you she’ll love it! Ang gwapo gwapo mo talaga! At ang ganda naman ng girlfriend mo! Sana kayo magkatuluyan. I’m sure magiging gwapo at maganda ang mga anak niyo.” humarap sa akin yung babae,

“Oh ganda, wag mo ng pakakawalan pa itong si Kenji, mabait naman siya eh suplado nga lang. anyway, good luck sa inyong dalawa!”

Nag smile siya sa akin, at nag smile rin ako sa kanya.

Hinawakan na ni Kenji yung kamay ko, “Sige Ate, thank you! Eto na po ang bayad.”

“Hinde. Ok lang. Ipang-date niyo na lang yan. Sige na, at alam kong kelangan niyo ng quality time.” Nag smile siya sa amin.

Tumayo ako at nagsimula na kaming maglakad pabalik sa village namin.

“Friend siya ng kapatid ko. Close kami kaya siya ganun sa akin, alam niya lahat ng pinagdaanan ko. Wag kang mag alala. Hinde mo naman siya palaging makikita eh, unless my family gathering. Speaking of

family gathering.. Birthday nga pala ng kapatid ko sa Saturday. Sabi nila mommy at daddy pumunta ka raw.”

“Ahh. Sige.. Uhh.. Anong susuotin ko?”

“Dress. Formal. Mag black na dress ka, kasi naka black suit ako.”

Gusto niyang sumabog kaming dalawa noh? Nag nod na lang ako kesa makipag talo. Maganda na

masyado yung moment namin dalawa para magtalo pa.

“Oo nga pala, bagay sayo yung ganyang style.” tumingin siya sa akin tapos nag smile ako.

15 minutes kaming nag lalakad. at sa wakas nakarating na rin kami sa park.

“Kung.. Gusto mo ng umuwi ok lang sakin.. Alam ko namang tinatamad kang panoorin akong mag

basketball eh..”

Sa totoo lang.. nakakatamad nga manood ng basketball. Hinde kasi ako fan ng sport na yun eh. Soccer lang talaga. Dahil tuwing world cup.. Alam niyo na, kasali korea. Pero ngayon.. Willing akong magstay at panoorin siyang mag laro.. Willing akong makasama siya buong araw ngayon..

“Hinde.. I wanna watch you play.” napatingin siya sa akin, “I mean, I’ll watch you play ball.” nagsmile ako sa kanya, and he smiled back. Nagwave siya tapos pumunta na sa court. Habang nag lalaro siya,

hinde ko parin mapigilan yung sarili ko sa pag smile.

“Wag kang mag alala. Poprotektahan naman kita eh. Nandito lang ako..”

Na-iisip ko na naman yung mga sinabi niya.. Ewan ko ba. Masyadong naging big deal yung sinabi niya..

Poprotektahan niya daw ako.. Nandyan lang daw siya.. Maniniwala ba ako? Oh kakalimutan ko lang yung mga sinabi niya kasi, alam ko naman na si Abigail pa rin eh.. Yun nga lang nakakapanibago na siya.

We were never friends.. Napaka spontaneous ng pagkakakilala namin.. Napaka bilis lahat ng pangyayari.

Eto ako.. Napapaisip.. I think I.. like him.

MUSIC WILL STOP HERE.

Nakatingin lang ako kay Kenji, kung pano siya mag laro, kung gaano siya kagaling. Napansin kong

tumingin siya sa akin, nag smile siya tapos nag V sign, so ganito -> ^_^v

Hanggang sa matapos ung game niya, siya parin nasa isip ko.

“Tara na. hatid na kita.” nagsmile ako tapos nag nod.

Naglakad kami papunta sa bahay. Tapos nakasalubong namin si Abigail at si Lucas.

“Athena!” tinawag ako ni Lucas habang naka smile siya tapos nagwave. Nagsmile din ako tapos

nagwave.

“Bee.” nagsmile naman si Abigail.

“Hi Kenj!” tumingin sa akin si Abigail, “Hi Athena! I heard about the news. Sa tingin ko hinde naman un totoo, right Kenji?”

“Ha? Ah.. Oo.”

“Oo nga pala, nakuha na namin yung invitation sa party ng sister mo. A-attend kami.” tapos nag smile siya. Psh. Faker.

“Talaga?”

Mapapahaba pa yung usapan nila. Ayoko. Not in front of me.

“Kenji.. Gusto ko ng umuwi..pagod na ko..”

“Sige mauna na kami. Kita na lang tayo sa party.” nagsmile si Kenji tapos nag smile rin si Abigail Ayoko yung pagpapalitan nila ng smile. Naiinis ako.

“Bye Lucas!” nagwave na lang ako kay Lucas. Tapos hinila ko na si Kenji.

Paghatid niya sa akin sa bahay, nagbye na lang kami sa isa’t isa. Sabi niya tatawag na lang daw siya, o kaya mag memessage na lang daw siya sa msn.

BOOK: She's Dating the Gangster
6.07Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

(Un)bidden by Haag, Melissa
Portrait of Elmbury by John Moore
Broken Vows by Tom Bower
Double Vision by Fiona Brand
The Way I Found Her by Rose Tremain
The Book of Jonas by Stephen Dau
Woman King by Evette Davis
How to Lasso a Cowboy by Jodi Thomas, Patricia Potter, Emily Carmichael, Maureen McKade